From
Subject
Time (UTC)
notification+kjdm1wu37--d@facebookmail.com
[Cuteness OVERLOAD.] Mahihirap ang maraming tao sa bansa natin, dahil...
2015-04-04 05:24:20
To: Cuteness OVERLOAD.
From: notification+kjdm1wu37--d@facebookmail.com
Subject:

[Cuteness OVERLOAD.] Mahihirap ang maraming tao sa bansa natin, dahil...


Received: 2015-04-04 05:24:20
Ian Barruela posted in Cuteness OVERLOAD.
Ian Barruela
Ian Barruela 10:24am Apr 4
Mahihirap ang maraming tao sa bansa natin, dahil daw sa korupsiyon sa ating pamahalaan. Kung tuwid lámang daw ang pamamalakad ng mga nása pamahalaan, wala raw magdarahop. Kung walang korap, walang mahirap. Ito ay isang paniniwala na nakabaón na sa utak ng marami, at tila hindi na mabubura pa.

Mali po ang paniniwalang ito. Bakit? Kasi, kahit walang korupsiyon sa ating bansa, mananatiling mahihirap pa rin ang maraming tao. Iyan ang masaklap na katotohanan. At may pitóng tanong na kung masasagot ay mapatutunayan ang katotohanang iyan. Ang mga sumusunod ang pitóng tanong na iyon.

Magkano ang hawak na salapi o badyet ng pambansang pamahalaan sa bawat taon?
Saan kinukuha o kinokolekta ng pambansang pamahalaan ang badyet nito?
Sapat ba ang nakokolektang salapi ng pamahalaan upang pondohan ang badyet nito?
Saan ginugugol o ginagastos ng pambansang pamahalaan ang badyet nito?
Sino-sino ang dapat pangunahing makinabang sa badyet ng pambansang pamahalaan?
Magkano ang nakukurakot o ninanakaw sa badyet ng pambansang pamahalaan?
At kung walang kinukurakot na pera sa badyet ng pambansang pamahalaan, mawawala na ba ang kahirapan sa ating bayan?
.

Magkano ang Badyet ng Pambansang Pamahalaan?

Nása ibaba ang isang talâ ng badyet ng pambansang pamahalaan sa nakaraang limang taon at sa kasalukuyang taon.

2010: P1.473 trilyon

2011: P1.580 trilyon

2012: P1.829 trilyon

2013: P1.998 trilyon

2014: P2.264 trilyon

2015: P2.606 trilyon

.

Saan Kinukuha ang Badyet?

Kinukuha ng pambansang pamahalaan ang salapi para pondohan ang badyet nito sa mga buwis na ibinabayad ng mga tao, partikular na ng mga negosyante at sumusuweldo. Para sa taóng 2015, ang makokolektang buwis ng pambansang pamahalaan ay:

P1.72 trilyon – mula sa koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue

P456.5 bilyon – mula sa koleksiyon ng Bureau of Customs

P37.3 bilyon – mula sa koleksiyon ng Bureau of the Treasury

P22.7 bilyon – mula sa koleksiyon ng mga korporasyon ng gobyerno

P2.0 bilyon – mula sa kíta ng mga ibebentang ari-arian ng gobyerno

P2.238 trilyon – kabuuan

.

Sapat ba ang Nakokolektang Salapi?

Kung susulitin ang mga pigura ng pambansang badyet at mga makokolektang buwis ng pamahalaan sa taóng 2015, lumalabas na may kakulangan o depisit na P368 bilyon sa pambansang badyet.

Ano ang ginawa ng pamahalaan upang mapunan ang kakulangang ito? Ano pa kundi ang mangutang na naman sa mga lokal at dayuhang bangko at iba pang institusyon sa pananalapi.

Sa taóng 2015, uutang ang pambansang pamahalaan ng P700.8 bilyon upang pondohan ang kakulangan sa badyet nito, at upang bayaran ang dáting mga utang nito.

.

Saan Ginugugol ang Badyet?

Para sa táong 2015, ang pambansang badyet na P2.606 trilyon ay ginugugol ng pamahalaan sa mga sumusunod na pangunahing larangan:

P963.9 bilyon (37.1% ng kabuuang badyet) – para sa serbisyong panlipunan (social services) gaya ng edukasyon at kalusugan.

P700.2 bilyon (26.9%) – para sa serbisyong pangkabuhayan (economic services) gaya ng agrikultura, reporma sa lupa, telekomunikasyon, daan, tulay, riles ng tren, daungan, at paliparan.

P399.4 bilyon (15.3%) – para sa pambayad-utang (debt services) ng pamahalaan sa mga pinagkakautangan nitong lokal at dayuhang bangko at iba pang mga institusyon sa pananalapi.

P423.1 bilyon (16.2%) – para sa pangkalahatang serbisyo publiko (general public services) o iyong mga ginugugol ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

P115.5 bilyon (4.4%) – para sa tanggulang pambansa (defense) o sa sektor ng militar.

.

Sino ang Dapat Pangunahing Makinabang sa Badyet?

Sa taóng 2015 pa rin, ang sampung nangungunang ahensiya ng gobyeno na may pinakamalalaking badyet ay ang mga sumusunod:

Department of Education – P367.1 bilyon

Department of Public Works and Highways – P303.2 bilyon

Department of National Defense – P144.5 bilyon

Department of Interior and Local Government – P141.4 bilyon

Department of Health – P108.2 bilyon

Department of Social Welfare and Development – P103.9 bilyon

Department of Agriculture – P89.1 bilyon

Department of Transportation and Communications – P59.5 bilyon

Department of Environment and Natural Resources – P21.5 bilyon

Department of Science and Technology – P17.8 bilyon

Ginagamit ng mga nabanggit na ahensiya ang kani-kanilang badyet sa pagpapatakbo at pagpapagawa ng mga pambayang paaralan, ospital, daan, tulay, riles ng tren, paliparan, daungan, patubig, at telekomunikasyon; sa suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, pulis, sundalo, manggagamot at nars sa mga pagamutang bayan, mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan, at iba pang sinusuwelduhan ng pamahalaan; at sa iba pang programang pambayan.

Ang gusto naman ng ilan, ibigay daw sa mahihirap ang malaking bahagi ng badyet ng gobyerno? Mali iyan. Bakit? Kasi, ang mahihirap lâmang ba ang mga Pilipino? Silá lámang ba ang mga Pilipino na dapat makinabang sa badyet ng pamahalaan? Lahat ng uri ng Pilipino, mayaman, katamtaman ang kíta, o mahirap man, ay dapat nakikinabang. Hindi ang mahihirap lámang.

Bagkus, ang pangunahing dapat makinabang sa badyet ng pamahalaan ay ang mga lingkod-bayan, gaya ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, pulis, sundalo, manggagamot at nars sa mga pagamutang bayan, mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan, at iba pang sinusuwelduhan ng pamahalaan. Mahalaga kasi ng ginagampanan nilang papel sa ating lipunan.


Kung wala ang mga guro, sino ang magtuturo sa mga batà sa mga paaralan? Kung wala ang mga pulis, sino ang mangangalaga sa búhay, kalayaan, at ari-arian ng mga mamamayan? Kung wala ang mga sundalo, sino ang magtatanggol sa kasarinlan at teritoryo ng ating bansa laban sa mga mananakop na dayuhan at iba pang kaaway ng ating bayan? Kung wala ang mga doktor at nars sa mga pambayang pagamutan, sino ang gagamot at mangangalaga sa mga may karamdaman? Kung wala ang mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan, sino ang tutugon sa mga serbisyong hinihingi ng mga tao sa pamahalaan?

Kayâ, kung may dapat unang makinabang sa pondo ng bayan, at kung may dapat unang tulungan ang pamahalaan, iyon ay walang iba kundi ang mga nabanggit na lingkod-bayan. At hindi ang mahihirap.

Mali rin na basta-bastang ibibigay sa mahihirap ang badyet ng pamahalaan. Halimbawa, ang badyet na P367.1 bilyon para sa Departamento ng Edukasyon sa táong 2015. Kung ibibigay iyan sa mahihirap, nabigyan nga ang mahihirap. Pero matindi naman ang kapalit: Magsasara ang mga pampublikong paaralan, hindi na susuweldo ang kalahating milyong guro sa mga paaralang iyon, at hindi na makapag-aaral sa mga paaralang iyon ang milyong-milyong estudyante.

O kayâ naman, ang badyet na P16.44 bilyon para sa pagsasaayos, dagdag na linya, pagkukumpuni, at subsidiya sa taóng 2015 para sa mga pangmásang transportasyon na LRT 1, LRT 2, MRT 3, at PNR ay ibigay sa mahihirap. Nabigyan nga ng pera ang mahihirap, pero hindi mapagbubuti ang mga naturang pangmásang transportasyon. Paano naman ang milyong-milyong tao na sumasakay araw-araw sa mga naturang pangmásang transportasyon para makarating sa kani-kanilang trabaho o iba pang destinasyon?

.

Magkano ang Nakukurakot sa Badyet?

Kung ano-ano ng naisasagot sa tanong na ito. May nag-aangkin na 100% daw ng badyet ng gobyerno ay kinukurakot. May mga nagpaparatang naman na 90%, 80% 70%, 60%, o 50% daw ng badyet ang ninanakaw.

Ang tanong na ito ay isang bagay na napakasensitibo. Kayâ, ang sagot dito ay dapat ibatay sa mga siyentipikong pananaliksik at pag-aaral, at hindi dapat ibatay sa mga haka ng mga hindi nagbabasá o nagsasaliksik.

Ayon sa isang pag-aaral ng Tanggapan ng Ombudsman noong 1997, umabot daw sa US$48 bilyon ang nakurakot sa kabang-bayan sa loob ng 20 taon (1977-1997). Kung paghahati-hatiin ang pigurang iyan sa 20 taon, umaabot sa US$2.4 bilyon o humigit-kumulang P100 bilyon ang nakukurakot sa pamahalaan taon-taon.

P100 bilyon. Iyan ang nakukurakot na salapi sa kabang-bayan o badyet ng pamahalaan. Batay iyan sa mga siyentipikong pag-aaral at hindi sa haka ng mga nagmamarunong lámang.

.

Mawawala na ba ang Kahirapan?

Ipagpalagay na natin na kung hindi nakukurakot ang P100 bilyon na ito, malilipol na ba ang kahirapan sa Pilipinas? Ano-ano ba ang magagawa ng P100 bilyon sa bawat taon?

Para sa taóng 2015, makakáya ng P100 bilyon na ito na magpatayo ng 400,000 yunit ng murang pabahay sa halagang P250,000 bawat isa. Sakaling hindi nakukurakot ito at maipatayo nga ang 400,000 yunit na iyon, mawawala na ba ang kagutuman? Hindi pa rin.

Para sa taóng 2016, makakáya ng P100 bilyon na ito na tustusan ang isang milyong silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa halagang P100,000 bawat isa. Sakaling hindi ito nakukurakot at matustusan nga ang isang milyong silid-aralan na iyon, mawawala na ba ang kalam ng maraming sikmura? Hindi pa rin.

Para sa taóng 2017, makakáya ng P100 bilyon na ito na pondohan ang maraming proyekto ng pamahalaan, gaya ng mga pampublikong daan, tulay, riles ng tren, paliparan, daungan, patubig, paaralan, pagamutan, at iba pa. Kung hindi nakukurakot at nailalaan ito para sa mga pambayang proyektong iyon, mawawala na rin ba ang karukhaan? Hindi pa rin.

Para sa taóng 2018, makakáya ng P100 bilyon na ito na tustusan ang pagtataas sa suweldo at iba pang benepisyo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, pulis, sundalo, manggagamot at nars sa mga pagamutang bayan, mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan, at iba pang sinusuwelduhan ng pamahalaan. Kung hindi ito nakukurakot at nailalaan nga para sa mga nabanggit na sinusuwelduhan ng pamahalaan, mawawala na ba ang kahirapan? Hindi pa rin. Kasi ang makikinabang lámang ay ang 1.5 milyon na sinusuwelduhan ng pamahalaan, at hindi ang karamihan sa mga tao.

Kahit pa ibigay na lámang sa mahihirap ang nakukurakot na P100 bilyon na iyan sa bawat taon, mawawala na ba ang kahirapan? Ilan ba ang mahihirap sa ating bayan? Sabihin na natin na ang kalahati sa populasyon ng ating bansa na 100 milyong tao ay mahihirap, ay di 50 milyong Pilipino ang mahihirap.

Kung paghahati-hatiin ang nakukurakot na P100 bilyon na iyan sa 50 milyong mahirap na Pilipino, tatanggap ang bawat mahirap ng P2,000 lámang. Sapat ba ang halagang iyan upang labanan ang kahirapan? Hindi po.

.

Magising na Táyo

Hayan, kahit walang kinukurakot na salapi, o kahit inilalagay sa tamang paglagyan ang nakukurakot na P100 bilyon taon-taon sa badyet ng pamahalaan, mananatiling mahihirap pa rin ang maraming tao. Hindi kasi korupsiyon ang sanhi ng kahirapan sa ating bayan.

Hindi ko naman sinasabing hayaan na lámang ang korupsiyon kasi hindi naman palá iyon ang dahilan ng kahirapan. Labanan natin ang korupsiyon. Parusahan ang dapat parusahan, at ikulong ang dapat ikulong. Pero kung ang isang tao ay iaasa lámang ang pagbuti ng kanyang búhay sa pamahalaan at sa pagsugpo ng korupsiyon, mamamalayan na lámang niya na kumukulo na ang kanyang sikmura sa gútom.

Magising na po táyo.

.

Ang mga Lunas sa Kahirapan

Edukasyon at trabaho. Ang mga ito ang pinakamabibisang lunas upang malutas ang kahirapan sa ating bayan.

Ang pamahalaan ay dapat magtatag ng mga pampublikong paaralang pang-kinder, elementarya, at hay iskul sa bawat barangay, at mga kolehiyo, pamantasan, at paaralang teknikal sa mga bayan, lungsod, at lalawigan upang ang mga tao ay magkamit ng mga karunungan at kakayahan (skills) na kanilang magagamit habambuhay.

Ang pamahalaan ay dapat ding maglatag ng mga patakaran (policies) at programa upang lumusog ang kapaligirang pang-ekonomya na mangangailngan ng mga trabaho ng mga tao. Ang mga nagsisipagtapos sa mga paaralan ay káyang kupkupin at mabigyan ng mga trabaho ng mga industriya na nása isang malusog na kapaligiran.

Kapag ang isang tao ay may pinag-aralan, kakayahan, at trabaho, siya ay kikíta, makapag-aambag sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis sa pamahalaan, at magiging isang kapaki-pakinabang at marangal na mamamayan ng lipunan—at hindi palaasá sa iba. - with Emilina Navarrete and Han Sang Neul.

View Post on Facebook · Edit Email Settings · Reply to this email to add a comment.